Home » Post Item » Ember
Ember
January 17, 2011
Bakit ganun? Bakit hindi na lang manatiling nakasindi yung apoy? Bakit kelangan nyang unti-unting mamatay? O ang sagot ba nun wala sa atin? Nasa mundo?
Natanong ko lang. Pero siguro nararamdaman ko.
Hmmm. Magulo. Madami akong iniisip ngayon kaya mukhang lahat eh napaghahalu-halo ko. Hayyy. Ano ngayon ang mangyayari sakaling mamatay ng tuluyan yung apoy? Sakaling yung kahuli-hulihang ningas nito eh maubos? Wala na? Wala na.
Bakit nga kaya ganun?
Ulit aking sasabihin, natanong ko lang.
Napagtanto ko…
Hindi kaya… unti-unting pinapatay ng mundo yung apoy para hindi na kumalat? Para walang masaktan at walang madamay?
Siguro nga.
At maaaring, iyon na rin ang paraan ng mundo para ipagtanggol ang sarili niya. Para protektahan ang sarili niya laban sa kung anuman ang makasisira sa kanya.
Sobrang babaw man.
Napakalalim pa rin.
=(
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



